65

Oct 26, 2017 @ 10:34

Magreretirong general, itinalagang bagong AFP chief

Nagtalaga na ang Malacañang ng bagong Armed forces of the Philippines Chief sa katauhan ni Lieutenant General Reynaldo Guerrero.

Ito ay dahil sa pagreretiro sa serbisyo ni outgoing AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa October 27 sa edad na 56 taong gulang, ang mandatory retirement age.

Si Guerrero ay ang kasalukuyang Eastern Mindanao Command Commander na nakabase ang headquarters sa Davao City, ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtapos si Guerrero sa Philippine Military Academy Class 1984.

Si Guerrero ay magreretiro sa serbisyo sa December 17, 2017 pero batay sa konstitusyon may kapangyarihan ang pangulo na palawigin mula tatlong buwan hanggang anim na buwan ang pagseserbisyo ng isang AFP Chief of Staff.

Mamayang hapon  isasagawa ang turn over ceremony at change of Command ng AFP Chief of staff sa grandstand ng Camp Aguinaldo Quezon City. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?