arrested
By

Magpinsang sumuko sa ‘Tokhang’, balik-kulungan

Sharing is caring!

Naarestong muli ang magpinsan na una nang sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ matapos na muling bumalik sa pagtutulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang magpinsan na sina Ryan Asepcion, 26; at Florante Asepcion, 18, kapwa residente ng 15th Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 7 Commander P/Supt. Louise Benjie Tremor, alas-dos ng madaling-araw nang ikasa nila ang buy-bust operation laban sa magpinsan makaraang magpositibo ang isinagawa nilang surveillance operation na muling bumalik sa pagbebenta ng droga ang dalawa.

Sabi ni Tremor, ang kostumer ng magpinsan ay mga Guest Relation Officer (GRO) at mga tricycle driver sa Cubao, Quezon City, kaya naman babaeng pulis ang ginamit nila sa buy-bust.

Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 at P500 buy-bust money at isang bagong motorsiklo na hindi pa rehistrado.

Ang magpinsan ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Station 7, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?