15

Jul 18, 2021 @ 19:43
By

Magparehistro para makaboto sa 2022 – Angara

Dahil nalalapit na ang September 30 deadline para sa pagpaparehistro, hinimok ni Senador Sonny Angara ang mga Pilipino na magparehistro para sigurado na ang kanilang pagboto sa May 2022 election.

Sa report ng Commission on Elections (Comelec), sinabi nitong ‘very encouraging development’ ang pagparehistro ng 4.3 milyong bagong botante.

Sa kasalukuyan, may 60 milyong Pilipino ang nakarehistro para makaboto sa 2022 election at inaasahang madadagdagan pa ito ng isang milyon bago magtapos ang registration period.

“It bodes well for our democracy that our people are getting more involved in the electoral process by registering to vote in spite of the restrictions on mobility because of the pandemic,” sabi ni Angara, chairman ng Committee on Youth.

Hinikayat pa nito ang mga batang Pinoy na magparehistro at bumoto dahil sila umano ang may ‘impact’ sa susunod na halalan.

“You will be feeling the impact of your choices in the years to come. Who has the most at stake for the future of the country? It is the youth,” ani Angara.

Para mahikayat ang mga tao na magparehistro, sinabi ng senador na dapat magkaroon ng public information campaign, partikular sa telebisyon at radyo.

Sa tulong ng local government units, maaari rin umano maglagay ang Comelec ng mga poster o streamer sa mga vaccination site para maengganyo ang mga taong bumisita sa tanggapan ng ahensya para makapagparehistro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?