47

By

Magpahinog ka pa Kobe!

Sharing is caring!

Sang-ayon ang ilang coaches na mas mabuting huwag munang ituloy ng Gilas Cadet na si Kobe Paras ang pag-akyat sa pro-ranks at magpahinog pa nang husto sa sa kolehiyo.

Naniniwala si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kailangan pa ng 6 foot 6 swingman nang hustong pagsasanay sa college basketball matapos ang hindi masyadong matagumpay na tatlong taong paglalaro sa US NCAA.

Ayon kay Reyes, dalawang taon pa ang college basketball sa Pilipinas, ang kailangan niya bago umakyat sa pro ranks.

Sumang-ayon rin ang nanliligaw umano na University of the Philippines coach na si Bo Perasol.

“If you ask me personally, he has to play in college, just to prepare himself on how we play here,” saad ni Bo.

“He’s been gone for so long, that is why he has to make adjustments. He’s a smart guy, he knows what he needs to do.”

Samantala, wala pa ring sagot si Paras sa mga ugong patungkol sa paglipat nito sa UP Maroons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?