164

Oct 4, 2021 @ 15:09
By

Mago ‘na-pressure’ kaya nadulas dila sa Senado

Biglang liko ang empleyado ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Krizle Grace Mago ngayong Lunes sa kanyang naunang statement kung saan sinabi niya na dinaya ng kompanya ang pamahalaan sa pamamagitan ng pag-iba ng expiration date ng face shields.

Sa gitna ng pagdinig ng Kamara sa isyu ng overpriced na medical supply kung saan naiipit ang Pharmally, sinabi ni Mago na ‘pressured’ siya kaya ‘di na niya maayos na naisip ang mga sinabi sa pagdinig ng Senado.

“Regarding my previous statement that I believed we swindled the government, it was a pressured response. Given the level of pressure I was under and the rush of emotions associated with the allegations and my subsequent admission, I was not in the best frame of mind to think clearly,” wika ni Mago.

“However, after the Senate hearing, I realized that the delivered items had not been inspected yet and, as a result, had not been allocated and distributed to the end-users. Additionally, we did not receive any payment from the government for the partial delivery,” dugtong pa ni Mago.

Ang unang testimonya ni Mago ay tumugma sa lumitaw na testigo ni Senador Risa Hontiveros na saksi umano ito sa pagpapalit ng expiration date ng mga face shield, gayundin sa paggamit ng mga naninilaw na kagamitan para ibigay sa Department of Health. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?