23

Aug 5, 2022 @ 20:33
By

Magnolia tumabla sa TNT

Nagsanib-pwersa sina Mark Barroca at Ian Sangalang sa second half upang buhatin ang Magnolia Hotshots tungo sa 92-88 panalo kontra TNT Tropang Giga sa game two ng kanilang best-of-seven semi-finals series ngayong Biyernes.

Dominado ng Hotshots ang laro kung saan lumamang sila ng hanggang 19 puntos sa fourth quarter.

Gayunman, dumikit ang TNT at naibaba ang lamang sa dalawa.

Dito na bumida sina Barroca at Sangalang na ipinasok ang mga krusyal na basket upang siguraduhin ang panalo para sa Magnolia. Tabla na ang serye sa 1-1.

Binuhos ni Barroca ang 16 sa kanyang 22 points sa second half. Nag-ambag naman si Sangalang ng 20 points at may 18 points pa si Calvin Abueva.

Nanguna naman para sa TNT si Mikey Williams sa kanyang 28 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?