39

Oct 19, 2021 @ 19:15
By

Magnolia, TNT parehong gutom sa All Filipino title

Parehong tangka ng Magnolia at TNT na tapusin ang kanilang title droughts pagdating sa All Filipino Conference sa kanilang paghaharap sa 2021 PBA Philippine Cup Finals simula Miyerkoles.

Nakaabot ang Magnolia sa Philippine Cup finals noong 2018 at 2019, ngunit parehong kinapos laban sa San Miguel.

Bukod dito, ang huling titulo ng Hotshots sa isang All Filipino tourney ay noong 2014 pa, bagamat ang huli nilang PBA title ay noong 2018 Governor’s Cup.

Sa kabilang dako, ang TNT ay huling nanalo ng titulo noong 2015 sa import-laden na Commissioner’s Cup. Huli silang nagwagi ng All Filipino title noong 2012.

Batid ng magkabilang-panig ang kanilang uhaw na matapos na ang title drought sa nasabing kumperensya.

“Talagang gutom na gutom sila,” pahayag ni TNT coach Chot Reyes. “They are very hungry. It’s been six years since TNT last won a championship. I think, about this regard, if you ask us, gutom na gutom.”

“Katulad ng mindset nila coach Chot, ganun din ‘yung Magnolia because this is our third time na mag-try uli na hopefully, sana maka-over the hump kami sa finals. The group of our core, kumbaga matagal na silang magkakasama since lumaban kami on our first try nung 2018 sa Philippine Cup pero medyo kinakapos kami,” pahayag naman ni Magnolia coach Chito Victolero.

Bukod sa hangarin ng dalawang koponan, wala pa ring All Filipino title sina Paul Lee at Calvin Abueva para sa Hotshots, samantalang hindi pa nagkakampeon sa PBA sina RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?