42

Magnolia, tatapusin na ang NLEX?

Ngayon na ang tamang pagkakataon para sa Magnolia na sumampa sa finals ng PBA All-Filipino Cup.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Hotshots para makaharap ang naghihintay nang 3-time defending champion San Miguel Beer para sa All-Filipino title, matapos maunahan ang Road Warriors, 3-2, sa kanilang best-of-7 series.

Simula na ng Game 6 mamayang alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Maglalaro ang NLEX na wala si guard Kevin Alas matapos mapunit ang kanan nitong ACL noong Game 5.

Kulang din sa tao ang Hotshots sa pagkawala ni Marc Pingris dahil sa napunit ding ACL sa kaliwang tuhod.

Asam naman ng Road Warriors na maipuwersa ito sa do-or-die Game 7 sa pangunguna nina rookie Kiefer Ravena at JR Quiñahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?