49

Magnolia sumandal kay Sangalang, dinapa ang Columbian

Nasungkit ng Magnolia Hotshots ang kanilang unang back-to-back win sa Commissioner’s Cup, pinapreno ang Columbian Dyip, 110-103, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinandigan ng Hotshots ang matinding depensa sa ikatlong yugto upang umahon sa limang puntos na paghahabol bago siniguro ang ikalawang sunod na panalo tapos na agad na makalasap ng dalawang sunod na kabiguan upang iangat ang record sa 2-2 panalo-talo.
Pinamunuan nina Ian Sangalang ang Hotshots sa tinalang 22 puntos, 8 rebounds, 2 assist, 2 steal at 3 blocks at import James Farr na may 22 puntos,11 rebounds, 3 assists at 2 steals. At may 21 markers din si Paul Lee.
“Pinagalitan kami ni coach Chito sa halftime, kasi wala kaming depensa. Iyun lang at nagtulungan na kami pagbalik sa laro,” sabi ni Jalalon, ang napiling best player of the game ng TV panel.
Isang tres ni Mark Barroca ang nagtulak sa Hotshots sa pinakamalaking abanteng 15 puntos, may 32 segundo pa sa third quarter sa 85-70, upang sangkalanin na nito tungo sa pagdomina sa final half.
Semplang ang Dyip sa 1-4 kahit may 26 pts. at 14 boards si Lester Prosper.

Ang iskor:
Magnolia 110 – Farr 22, Sangalang 22, Lee 21, Jalalon 17, Barroca 9, Brondial 8, Melton 3, Herndon 2, Dela Rosa 2, Ramos 2, Pascual 0.
Columbian 103 – Prosper 26, Perez 18, McCarthy 11, Corpuz 10, Calvo 6, Escoto 4, Celda 4, Cahilig 3, Camson 3, Reyes 2, King 2, Faundo 0.
Quarters: 34-28, 52-52, 85-74, 110-103

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?