16
ABANTE magnolia hotshots nlex lee ravena

Magnolia sinagasaan ang NLEX para sa ikatlong panalo

Sharing is caring!

Naitala ng Magnolia ang back-to-back wins matapos padapain ang NLEX, 105-94 sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Naitakas ng Magnolia ang panalo sa kabila ng eksplosibong laro ni rookie Kiefer Ravena na nagposte ng career-high 31 puntos sa laban.

Bagamat nalamangan sa puntusan si Paul Lee na may 21 puntos, sa bandang huli ay nanalo pa rin ang kanyang koponan para makuha ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laban.

Nag-ambag para sa Magnolia si Rome dela Rosa na may 14, pito dito sa fourth period, na sinahugan pa ng apat na rebounds at dalawang assists.

Sina Aldrech Ramos at Robbie Herndon ay may tig-11 puntos habang namuno naman sa depensa si Marc Pingris na may 15 rebounds at pitongpuntos.

Lamang ng pitong puntos ang Magnolia 71-48 sa third quarter bago nag-alsa ang NLEX at bawasan ang lamang sa walo, 87-79 matapos umiskor ng walong puntos si Ravena.

Subalit hindi na pinalapit pa ng Magnolia ang lamang hanggang maitakas ang panalo.

Nalasap ng Road Warriors ang kanilang ikalawang sunod na talo. Nagtipon si JR Quiñahan ng 22 puntos, 10 rebounds, dalawang assists at dalawang blocks habang may 13 puntos naman si Kevin Alas.

Scores:

MAGNOLIA 105 – Lee 21, Dela Rosa 14, Herndon 11, Ramos 11, Jalalon 9, Simon 9, Melton 7, Pingris 7, Barroca 5, Sangalang 5, Reavis 4, Gamalinda 2, Brondial 0, Pascual 0.

NLEX 94 – Ravena 31, Quiñahan 22, Alas 13, Miranda 9, Fonacier 8, Mallari 5, Baguio 4, Tiongson 2, Al-Hussaini 0, Gotladera 0, Rios 0.

Quarters: 30-18, 51-43, 85-68, 105-94.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?