20

Sep 8, 2021 @ 18:01
By

Magnolia pinatid NLEX sa 2OT

Bumangon ang Magnolia Hotshots mula sa 16 points na pagkakatambak sa fourth quarter at dinala ang laro hanggang sa dalawang overtime bago kaladkarin ang NLEX, 112-105 ngayong Miyerkoles.

Naniwala ang Hotshots na kaya rin nilang bumalik sa isang fourth quarter deficit kung saan nagpakabayani si Aris Dionisio na kumonekta ng isang tres sa dulo ng unang overtime para itabla ang laban at dalhin sa ikalawang extensyon.

Sa pangalawang overtime naman ay doon na naghari si Ian Sangalang kaya naman nailista ng Hotshots ang kanilang ika-anim na panalo laban sa dalawang talo.

Tumapos si Sangalang na may 21 points at walong rebounds habang may 11 points at tatlong tres naman si Dionisio.

Halimaw pa rin si Calvin Abueva sa kanyang 23 points at 12 rebounds bago mag-foul out sa fourth quarter.

Bumida naman sa NLEX si Jericho Cruz na may 21 points. Bumagsak ang kartada ng Road Warriors sa 4-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?