19
magnolia
By

Magnolia pinagpag ang KaTropa, 118-89

Sharing is caring!

Naipagpag ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang tatlong sunod nilang pagkatalo matapos maigapos ang TNT KaTropa, 111-89, sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena kagabi.

Bumulusok ang Hotshots sa third quarter para mabura ang pagkakaiwan sa first half at makuha ang manibela sa TNT.

Pinangunahan ni Paul Lee ang Hotshots sa pagbuslo ng 17 sa kanyang 25 points sa third quarter. Nilampaso ng Magnolia ang TNT sa iskoring, 36-25.

Kahit pa ipinahinga si Lee sa fourth, tuloy pa rin sa paglobo ang abante ng Magnolia sa pamamagitan ng pagpapakawala ng 20-3.

Umabot pa sa 24 points ang abante ng Pambansang Manok.

Dahil sa pagkadismaya, nakakomit ng flagrant foul si TNT import Joshua Smith kay Kyle Pascual, may 6:15 na nalalabi sa fourth, kaya inilabas na siya ni coach Nash Racela at hindi na pinaglaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?