92

Feb 14, 2019 @ 10:08
By

Magnolia nilampaso ng 3-point play ni Yap

Muling umarangkada si “Big Game” James Yap laban sa dati nitong koponan na Magnolia nang magdeliber ng game-winning three-point play sa panig ng Rain or Shine, 75-74, sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena ngayong gabi (Pebrero 13).

Tumikada ang two-time league MVP ng 18 points at limang rebounds.

Bago ang game winning shot ay naiabante ni Paul Lee ang Hotshots sa 74-72 lead, 6.1 segundo na lang ang nalalabi sa fourth quarter.

Hawak ni Yap ang bola, nilansi si Gabe Norwood at napeke sina Rome dela Rosa at Raffy Reavis para makakuha ng tiyempo para ipukol ang lean-in jumper na may kasama pang foul.

Naipasok niya ang bonus free throw at naitakbo ng E-Painters ang panalo.

Akyat sa 7-1 ang record ng Rain or Shine habang lagapak sa 0-3 ang Magnolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?