14

Sep 26, 2021 @ 17:32
By

Magnolia kumatok sa semis

Lumapit sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Magnolia Hotshots matapos pataubin ang Rain or Shine Elasto Painters, 81-70, sa game one ng kanilang best of three quarter finals series ngayong Linggo.

Dikitan ang naging laban sa first half bago kumagat ang depensa ng Hotshots sa third quarter kung saan walong puntos lang ang naiskor ng Rain or Shine kaya’t mula rito ay kinontrol na ng Magnolia ang laro tungo sa panalo.

Bumida si Paul Lee sa arangkada ng Hotshots sa second half nang ibuhos niya rito ang 20 sa kanyang 21 points, tampok ang 13 sa fourth quarter lamang.

Sinuportahan pa siya ni Ian Sangalang na halimaw sa kanyang 19 points at 13 rebounds.

Sinubukan naman ng rookie na si Leonard Santillan na buhatin ang Elasto Painters sa kanyang 17 points at 12 rebounds ngunit wala ng nakatulong lalo na sa dulo ng laro. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?