29

Oct 10, 2021 @ 19:41
By

Magnolia kumatok sa finals

Lumapit sa PBA Philippine Cup finals ang Magnolia Hotshots matapos durugin ang Meralco Bolts, 81-69, sa game four ngayong Linggo upang hawakan ang 3-1 lead sa semi finals series.

Dahil wala sa laro ang sentro ng Bolts na si Raymond Almazan na may iniindang ankle sprain, nagpiyesta sa ilalim sina Calvin Abueva at Ian Sangalang upang pangunahan ang Hotshots.

Kambal na double-double sina Sangalang at Abueva na parehong may 17 points at double-digit na rebounds.

Bukod dito, mainit din si Mark Barroca na umiskor din ng 17 points.

Bumida naman para sa Meralco si Reynel Hugnatan na may 21 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?