54
magnolia-kia
Jan 9, 2018 @ 16:46

Magnolia, KIA aahon sa pagkatalo; Bolts igagapos ang Teng-Abueva duo

Bagong taon, bagong pag-asa.

Iyan ang kinakapitan ng Magnolia at KIA na parehong gustong makabuwelo sa kanilang pagsasagupa bukas ng hapon, Enero 10 ng alas-4:30 ng hapon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Gustong makabalik ng Hotshots sa winning track matapos matalo sa Barangay Ginebra noong Pasko, 78-89, samantalang ang Picanto ay bitbit ang bagong coach na si Ricky Dandan sa layuning maputol ang mahigit na anim na buwang winless spell.

“It’s a very important game for us. Coming from a loss against Ginebra we need to bounce back and start winning again, especially since it’s our first game of the year,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.

“Kia is a very dangerous team with the new coach and new system,” dagdag ni Victolero. “We expect a hard game and we need to be ready mentally and physically.”

Simple lang naman ang gusto ni Dandan, na pumalit sa nag-resign na si Chris Gavina matapos lasapin ng Kia ang 102-125 na talo sa Phoenix noong Dis. 27. Iyon ang ikalawang sunod na talo ng Picanto sa conference at pang-14 mula pa noong nakaraang season.

ā€œIā€™m excited and humbled to be competing as a rookie head coach in the PBA,” saad ni Dandan. “I’ve had seven practices to install our system. My priority, however, is to make sure that we become a team first before we can move forward.ā€

Dahil dito, lumalabas na liyamado ang Magnolia at malaki ang tiyansa nitong makatabla ang Phoenix at NLEX sa 2-1 karta, lalo pa’t si Jio Jalalon ay idineklara nang puwedeng maglaro matapos alisan ng bone spurs sa paa nitong off-season.

Samantala, sa ikalawang laro ng alas-siyete ng gabi, hindi pa rin makakapaglaro sina Ranidel de Ocampo at Cliff Hodge ng Meralco Bolts dahil sa kanilang mga injuries kontra Alaska Aces.

Kahit na kulang, maganda pa rin ang ipinapakita nina Nino Canaleta, Jared Dilinger at Chris Newsome na pumuno sa pagkawala ng dalawa nilang kakampi na sanay tulong din sa kanilang opensiba.

“Offensively It’s very important that we do a good job of handling their pressure defense while limiting our turnovers,” saad ni Meralco coach Norman Black.

Pakay ng Bolts na pigilan ang Jeron Teng-Calvin Abueva duo ng Aces pati na mga tira sa labas ni JV Casio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,