100

By

Magnolia import Travis nagpatama: May nananadyang manakit!

Kahit pa may mga injury, patuloy itong iniinda ng Magnolia import na si Romeo Travis para mairaos ang finals series ng kanyang koponan na Magnolia Hotshots kontra sa Alaska Aces.

Ngunit para sa kanya, ang ilan sa mga natamong banat sa serye ay hindi basta aksidente lamang.

Noong Game 4, nahiwa ang bandang noo ni Travis dahil sa pisikal na laro, sa Game 5 naman ay napuruhan ang kanyang kanang kamay sa kaduluhan ng laban.

Para kay Travis, na sanggang-dikit ang NBA star na si LeBron James, kanyang titiisin ang lahat ng sakit basta’t sa dulo ay kanilang mauwi ang asam na kampeonato.

“I hope so. It’s very frustrating to play basketball like this,” he said. “It’s very frustrating to me. I don’t play like that and for me to keep getting these pains, it’s not coincidental injuries. These are very purposeful injuries,” pakli ni Travis na tila may pinapatamaan sa katunggali.

“People are really intentionally doing certain things and I come from a place that if you play like this, then it’s no longer basketball,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, mananatiling kalmado ang big man para hindi makaapekto sa kanyang mga kakampi at lalaruin lang ang serye ng nakapokus at positibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?