42

Oct 15, 2021 @ 22:44
By

Magnolia abante sa finals

Hindi na pinahirit ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang Meralco at pinag-empake sa Game 6 ng kanilang semifinal series, 93-85, sa Bacolor, Pampanga nitong Biyernes.

Pasok na sa championship round ng 2021 PBA Philippine Cup ang Hotshots at naghihintay na lamang ng mananalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga.

Naikasa sa Linggo, Oktubre 17 ang do-or-die Game 7 ng Beermen at Tropang Giga matapos mag-init ang mga kamay ni Marcio Lassiter sa Game 6 ng kanilang semis pairing at maibigay sa San Miguel ang 103-90 panalo.

Nanguna sa Magnolia si Ian Sangalang sa naitalang double-double na 19 puntos, 14 rebounds at anim na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?