75

Jun 24, 2020 @ 19:16

Magno kinagiliwan sa Eat Bulaga

Hindi lang sa apat na sulok ng boxing ring mabangis si 2021 Tokyo Olympics-bound Irish Magno, pati rin sa pagpapakuwela na pinatunayan niya sa Bawal Judgemental portion ng pantanghaliang programa sa telebisyon na Eat Bulaga, at pumatok sa mga netizen.

“Galing niyang manghula ng tanong at mang-stalk,” sabi ni sa socmed ni Raquel Delos Santos sa paglahok ng 28-anyos na boksingera bilang home partner ng guest na si aktres Meg Imperial.

“Bore na si Tokyo Olympics-bound boxer Irish Magno, kaya sumali na lang as home partner sa Eat Bulaga’s Bawal Judgmental,” sey naman naman ni Virginia Tia-Romano.

Nag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Japan 2020 Tokyo Olympics si Magno nang makalusot sa box-off bout ng women’s flyweight division ng Asia and Oceania Olympic QualifyingTournament sa Amman, Jordan noong Marso.

Dahil dito siya ang unang Pinay at ikaapat na PH qualifier sa quadrennial sportsfest sa pagbuntot kina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edrial Yulo. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?