5

Oct 28, 2020 @ 18:42
By

Magno eeksena sa TOPS “Usapang Sports on Air”

Espesyal ang magiging panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports on Air”, Huwebes, sa pagbisita ni Tokyo Olympics-bound at boxing champion Irish Magno.

Isisiwalat ni Magno sa weekly sports forum ang kanyang paghahanda para sa darating na Olympics sa susunod na taon.

Makakasama ni Magno sa 10 a.m. public service program sina World no. 1 e-Kata jin James De Los Santos at protege nitong si Fatima Hamsain pati nar rn si United Kendo Federation of the Philippines president Kristopher Inting.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat sa sports community na makiisa sa weekly forum kasama ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?