29

By

Magnitude 6.3 na lindol tumama sa Davao Oriental

Sharing is caring!

Isang magnitude 6.3 na lindol ang yumanig sa Manay, Davao Oriental nitong Sabado ng hapon, Setyembre 8 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ganap na alas-3:16 ng hapon nangyari ang pagyanig na tinatalang may lalim ng 28 kilometro.

Habang ang episentro naman ng lindol ay natagpuan sa Manay, Davao Oriental.

Naramdaman ang Intensity V sa Mati, Davao Oriental; Intensity IV sa Davao City, Bislig City, at Koronadal City; Intensity III sa Tupi, South Cotabato; at Intensity II sa Cotabato City at General Santos City ayon sa panayam ng dzBB kay John Lerry Deximo ng Phivolcs.

Para sa apektadong lugar, asahan din umano ang mga kasunod na aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?