121

By

Magnitude 5.5 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Surigao del Sur, kaninang madaling araw (Sabado).

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig bandang 4:42 ng madaling araw ng tumama ang epicenter ng lindol na nasa walong kilometro ng hilagang-kanluran ng Cortes, Surigao del Sur.

Nasa tectonic ang origin ng lindol at may lalim na limang kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity 3 na pagyanig sa Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity 2 sa Cebu City at Borongan City sa Eastern Samar at nasa Intensity 1 sa Bislig City, Surigao del Sur at Cagayan de Oro City.

Walang naganap na aftershocks sa nasabing pagyanig at walang iniulat na nasugatan o nasira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?