45

Oct 17, 2020 @ 8:48
By

Magnitude 5.4 lindol inalog Metro Manila

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Looc, Oriental Mindoro, kung saan naramdaman din ang pag-uga sa ilang parte ng Metro Manila nitong Sabao ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang naturang lindol ay nangyari bandang alas-4:06 ng umaga na unang na-report na magnitude 5.2 ang lakas.

Naitala ang Intensity IV sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro at sa Tagaytay. Intensity III naman sa Mamburao, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Makati City at Quezon City.

Habang naramdaman ang Intensity II sa Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan at Floridablanca, Pampanga.

Wala namang inaasahang pinsalang idulot ang lindol, ngunit posibleng magkaroon ng aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?