11

Jul 21, 2021 @ 11:48
By

Magnitude 5.3 tumama sa Davao Occidental

Naramdaman ang magnitude 5.3 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-4:26 ng madaling-araw nangyari ang lindol.

Naitala ang Intensity II sa General Santos City at Kiamba, Sarangani.

Wala namang inaasahang pinsalang dulot ang nasabing lindol, ngunit may posibilidad ng aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?