6

Oct 1, 2020 @ 9:12
By

Magnitude 5.3 lindol tumama sa Surigao Sur

Inalog ng magnitude 5.3 na lindol ang Surigao Del Sur kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs, alas-6:10 ng umaga ngayong unang araw ng Oktubre 2020, tumama ang lindol sa 63 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas.

Ito’y isang tectonic earthquake, at may lalim na 15 kilometro.

Sabi ng Phivolcs, itong lindol ay isang aftershock ng magnitude 5.7 na lindol na yumanig sa Bayabas, Surigao del Sur noong Setyembre 21.

Naramdaman anila ang Intensity IV sa parehong lugar, at Instrumental Intensity I sa Surigao City.

Hindi naman inaasahan ang alinmang pinsala o aftershock mula sa magnitude 5.3 na lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?