107
Magnitude 5.2 na lindol yumanig sa Cagayan
By

Magnitude 5.2 na lindol yumanig sa Cagayan

Niyanig ang lalawigan ng Cagayan ng magnitude 5.2 na lindol nitong Linggo (Mayo 12), saad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang pagyanig dakong alas-4:59 ng hapon at may lalim itong 20 kilometro, 38 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Calayan.

Intensity III ang naramdaman sa Aparri, Cagayan.

Instrumental Intensity II naman sa Laoag City sa Ilocos Norte at Claveria sa Cagayan.

Wala namang idinulot na pinsala ang lindol ngunit inaasahang magkakaroon ito ng aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?