160

By

Magnitude 5.1 na lindol yumanig sa Eastern Samar

Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Eastern Samar nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig ala-1:31 ng hapon, Nov. 8, sa may 33 kilometro southwest ng Guiuan, Eastern Samar.

May lalim itong 3 kilometro at tectonic ang origin.

Walang inaasahang aftershocks sa lindol kung saan naramdaman ang Intensity IV sa Borongan City; Intensity III sa Palo, Leyte at San Fernando, Southern Leyte; Intensity II sa Surigao City at Intensity I sa Ormoc City; Gingog City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?