58

By

Magnitude 4.5 na lindol naramdaman sa Romblon

Inuga ng magnitude 4.5 na lindol ang Romblon, ayon sa Phivolcs nitong Sabado.

Tectonic umano ang origin nito at naitala alas-6:35 ng gabi may 28 kilometro southwest ng bayan ng San Jose town. May lalim itong 12 kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity II sa Malinao at Kalibo, Aklan; at sa Sebaste, Antique habang Intensity I naman sa San Jose, Occidental Mindoro.

Wala namang inaasahang damage sa aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?