22

By

Magnitude 4.5 lindol yumanig sa Surigao del Norte

Isang magnitude 4.5 na lindol ang yumanig sa Surigao del Norte nitong Linggo (July 14) ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 25 kilometro.

Natunton ang episentro ng lindol 29 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Burgos.

Saad ng Phivolcs, nadama ang Intensity II sa lungsod ng Borongan sa Eastern Samar.

Wala naman umanong inaasahang aftershocks at pinsala dulot ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?