6

Feb 26, 2021 @ 9:59
By

Magnitude 4.4 tumama sa Sarangani

Inuga ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Sarangani kaninang madaling-araw.

Tumama ang lindol ng alas-1:45 ng umaga sa southeast ng bayan ng Glan, ayon sa Phivolcs.

Tectonic ang origin ng quake at may lalim na 18 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa General Santos City, at sa Alabel at Kiamba sa Sarangani.

Dagdag naman ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala at aftershocks kasunod ng pagyanig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?