211

Apr 26, 2019 @ 11:19
By

Magnitude 4.4 na lindol yumanig sa Ilocos Norte

Isang magnitude 4.4 na lindol ang yumanig sa Ilocos Norte nitong Biyernes, alas-3 ng umaga, saad ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang episentro ng lindol at natunton 7 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng San Nicolas, at tectonic ang origin ng lindol.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay may lalim na 10 kilometro.

Intensity IV ang naramdaman sa San Nicolas, Ilocos Norte habang Intensity III naman sa Sarrat, Ilocos Norte.

Naitala rin ang instrumental intensities sa Sinait, Ilocos Sur na nakaramdam ng Intensity IV.

Intensity III naman sa Pasuquin, Ilocos Norte at Laoag City, Ilocos Norte habang Intensity II naman sa Vigan, Ilocos Sur.

Wala naming inaasahang aftershocks at mga pinsala na dulot ng lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?