14

Nov 22, 2021 @ 18:43
By

Magnitude 3.7 na lindol niyanig Romblom

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Romblon bandang alas-2:25 ng hapon, nitong Nobyembre 22.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagmula ang epicenter sa layong 17 kilometro (km) southwest ng Corcuera, Romblon, at may lalim na 14 km.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ito bilang isang mahina na pagyanig at Intensity III sa munisipalidad ng Corcuera, Calatrava, at San Andres.

Samantala, namdaman ito sa Intensity II sa Roxas, Oriental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Gayunman, sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahan na aftershocks at pinsala sa lindol na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?