36

Jan 15, 2020 @ 17:35
By

Magnitude 3.4 na lindol tumama sa Calaca, Batangas

Inuga ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Calaca sa Batangas nitong Miyerkoles.

Ayon sa Phivolcs, volcanic ang origin ng lindol na nai-record alas-12:39 ng tanghali at may lalim na siyam na kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Tagaytay City at Intensity I sa Dolores, Quezon na dulot ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang Taal at inaasahan ang “hazardous explosion”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?