56

Nov 23, 2019 @ 13:18
By

Magnaye, Pomar abante sa National Open semis

Swak sa semifinals sa kani-kanilang event sina national team members Ariel Magnaye at Thea Pomar sa 2019 SMART National Open Badminton Tournament sa Muntinlupa City Sports Center.

Umahon sina Magnaye at Pomar sa first set loss upang kalusin ang University of the Philippines’ duo nina JM Bernardo at Aldreen Concepcion, 17-21, 21-19, 21-9 sa mixed doubles.

Ang kampanya nina Magnaye at Pomar ay parte ng paghahanda nila sa 30th Southeast Asian Games 2019 na iho-host ng ‘Pinas sa November 30-December 11.

Makakalaban nina Magnaye at Pomar sa Last Four sina dating national junior standouts Christian Bernardo at Geva de Vera na wagi kina Alem Palmares at Aires Montilla, 21-14, 21-16.

Papalo rin si Magnaye sa men’s doubles semis kakamp si Alvin Morada, tapos nilang hablutin ang 21-15, 21-16 panalo kontra JC Clarito at Jayson Oba-ob. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?