48

Jul 28, 2021 @ 11:10
By

Magnanakaw pinaghahampas ng dildo ng biktima, walang naipuslit

Imbis na umuwing may pera, bugbog ang inabot ng isang magnanakaw matapos paghahampasin ng dildo ng kaniyang biktima sa Russia.

Ayon sa ulat, pinasok ng hindi pa natutukoy na Russian ang isang sex store sa Novokuznetsk, Kemerovo Oblast at naglabas ito ng maliit na kutsilyo.

Pumalag naman ang saleswoman at pinaghahampas ito ng 18-inch “weapon.”

Ayon sa ulat, double-ended ang naturang dildo na maaaring gamitin nang sabay ng dalawang tao o kaya naman ay solo. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?