35

Jul 30, 2021 @ 21:00
By

Magnanakaw nawalan ng balanse, nahulog mula 6th floor

Kinalawit ni Kamatayan ang isang lalaki matapos pagnakawan ang isang guest ng hotel sa Baguio City nitong July 30.

Ayon sa ulat, nagising ang hotel guest sa ingay at nakita ang hindi pinangalanang suspek.

Nagmamadali umano ang suspek na tumakas at dumaan sa bintana ng kuwarto ng biktima na nasa ikaanim na palapag ng hotel na matatagpuan sa Kisad Road bandang alas-5 ng madaling-araw.

Sa kasamaang-palad ay nawalan umano ng balanse ang lalaki at bumulusok mula 6th floor ng hotel.

Patay na nang datnan ng mga emergency responder ang suspek.

Naibalik naman sa biktima ang bag na tinangay ng suspek na naglalaman ng pera, cellphone at iba pang gamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?