40
Ai-Ai mala-J.Lo sa bikini photo
By

Magnanakaw nadekwat ang bag ni AiAi

Hindi nakaligtas sa magnanakaw ang aktres na si AiAi Delas Alas nang pasukin ang bahay nito noong Huwebes, Setyembre 5.

Sa Instagram binahagi ni AiAi ang trahedya, nang mapansin nitong wala na ang kanyang bag na naglalaman umano ng pera.

“Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayun araw na ito .. kagabi na nakawan kami maliit lang pero ang stressful nakapasok sya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko,” saad ng aktres.

Huli na umano nang matagpuan ni AiAi ang kanyang bag na tagong-tago sa tabi ng isang kotse.

“Tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil mag babayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house .. and nakita ko nalang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong kotse na tagong tago,” kwento ng Concert Comedy Queen

Sa huli ay nagpasalamat ang aktres na hindi sila nasaktan ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

“Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. magingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN,” babala ng aktres.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?