12

Oct 28, 2020 @ 9:11

Magnanakaw bistado dahil sa tattoo

Mabilis na naposasan ng mga awtoridad ang isa sa dalawang suspek ng pagnanakaw sa isang hardware store sa Lucena City habang nananalasa ang Bagyong Quinta.

Kinilala ng Lucena City Police ang suspek na si Tommy Forbes, 26 anyos.

Kuwento ng otoridad, habang nagkikiskisan ang mga yero dulot ng humahagupit na bagyo ay sinira ni Forbes at kasama nito ang bubong ng hardware at lumusot doon.

Hindi alam ng mga suspek na sa loob ng hardware ay may CCTV, kung saan nasaksihan kung paano tangayin ng dalawa ang P58,000 halaga ng gamit ng nasabing tindahan.

Transparent ang kapote na suot ni Forbes kaya naman nakita ang “alien” tattoo niya sa likod.

Kinabukasan din ay nadiskubre ng hardware store owner ang nakawan kaya pinakita nila ang CCTV sa pulisya.

Kagyat na nahuli ng Lucena Police si Forbes, na nakatira pala nang hindi kalayuan sa hardware.

Samantala, hinahanap pa ang isang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?