111

Sep 26, 2017 @ 14:01

Magna carta sa seafarers, ipasa na

Dapat nang isulong ang magna carta para sa mga Filipino seafarers upang maproteksyunan ang kanilang mga karapatan.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel VIllanueva kasabay ng muling panawagan sa pagbibigay ng proteksyon sa mga seaman kaugnay na rin sa pagdiriwang ng National Seafarers’ Day ngayong araw ng Linggo, September 24.

Iginiit ni Villanueva ang kahalagaan ng batas hindi lamang sa pagkilala sa karapatan ng mga seafarers kundi upang mabigyan ang mga ito ng compulsory benefits at maipatupad ang standards na itinatakda ng international laws.

Isinusulong ni Villanueva ang Senate Bill No. 314 o An Act Instituting the Magna Carta of Filipino Seafarers ni Senador Sonny Angara.

“The immediate passage of this measure recognizes the contribution of our Filipino seafarers who have contributed much in sustaining our country’s development despite being away from their families and facing the burden of a lonely life on board,” ayon kay Villanueva.

Noong 2015, nasa USD5.8 billion ang kabuuang remittances ng mga Filipino seafarers mula sa USD300 million noong 1996.

Batay sa rekord, 25 percent ng 1.5 million seafarers sa buong mundo ay mga Pinoy.

“With their hard-earned professionalism and sacrifices as they face daily risks at sea, our Filipino seafarers deserve a law that will comprehensively protect their rights in recognition of their world-class service that made us globally recognized in the field of maritime industry,” dagdag ni Villanueva. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?