27

Oct 13, 2021 @ 18:20
By

Magna Carta para sa tricycle drivers, operators umusad

Inaprubahan ng House Committee on Transportation ngayong Miyerkoles ang substitute bill ng mga panukala para sa pagkakaroon ng Magna Carta ng mga tricycle driver at operator.

Inaprubahan ng chairperson ng komite na si Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang substitute bill matapos na walang tumutol sa mosyon kaugnay nito.

Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara, sponsor ng substitute bill, na layunin ng panukala na pangalagaan ang karapatan ng mga nasa sektor ng tricycle.

“The tricycle sector plays an important and indispensable role in our economy with more than .5 million tricycle units operating through out the country they cater to a great number if not the majority of our daily commuters not only in our urban centers but especially in the provinces and areas where other modes of public transportation are not available,” sabi ni Vergara.

Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng pare-parehong requirement para sa pagkuha ng prangkisa ng tricycle sa mga lokal na pamahalaan. Magtatayo rin ng one-stop shop sa bawat lokal na pamahalaan upang maging mabilis ang pagproseso nito.

Itatakda rin ang technical requirement ng mga tricycle unit na papayagang ipasada.

Bukod sa pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga driver at operator sa sektor ng tricycle ay gagawin ding mandatory ang membership ng mga ito sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Inirekomenda ng technical working group (TWG) ang paglalagay ng P1 bilyong paunang pondo na pambayad sa SSS at PhilHealth premium ng mga miyembro ng tricycle sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?