26

Nov 9, 2021 @ 13:34
By

Magna Carta of Commuters isusulong ng PASAHERO Partylist

Nangako ang PASAHERO Partylist na kanilang itutulak ang matagal nang naantalang pagpasa ng Magna Carta of Commuters sa oras na makakuha ng upuan sa Kamara sa susunod na halalan.

“Now more than ever we need to put in place a national policy establishing and promoting commuters’ rights and welfare amid the challenges brought on by the COVID-19 pandemic,” sabi ni PASAHERO spokesperson lawyer Homer Alinsug.

Ayon kay Alinsug, sadyang napakahirap ang araw-araw na pagsakay ng milyong mga Pilipino, lalo na ang mga nakatira sa Metro Manila at pinalala pa nito ang sitwasyon dahil sa pandemya bunsod ng ibat ibang restriksyon sa panahon ng lockdown.

Sa panukalang Magna Carta of Commuters na tinawag ding Commuters Bill of Rights, layon nito na palakasin ang karapatan ng mga commutic public, kabilang ang ‘right to sanitary transportation services; right to special attention during service breakdowns’ at ‘ right to information for effective and convenient travel’.

Parehong inihain ang mga panukala tungkol Magna Carta of Commuters sa Kamara at Senado noong 2019. Bagama’t pinagsasama ang panukala at nakalusot sa committee level sa Kamara, hindi naman nakalusot ang counterpart bill nito sa Senado.

Ayon kay Alinsug, mukhang Malabo na maging bata ang panukala lalo na’t iilang buwan na lang ang nalalabi sa kasalukuyang Kongreso at magiging abala na ang mga mambabatas sa pangangampanya.

“PASAHERO Party-list will push for the enactment of the Magna Carta of Commuters in the next Congress because we strongly believe that the welfare and protection of the commuting public should be a priority of the government,” sabi ni Alinsug.

Ang PASAHERO, o kilala sa tawag ng Passengers and Riders Organization Inc., ay isang partylist group na kumakatawan sa mga mananakay at pasaherong mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?