41

Feb 18, 2021 @ 12:15
By

Maglola patay sa sunog sa Mandaluyong

Isang maglola ang nasawi sa sunog sa isang residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong kaninang madaling-araw.

Sa ulat ni Abante journalist Jonas Sulit, sinabing namatay ang isang 55-anyos na ginang at ang 13-anyos nitong babaeng apo.

Naging emosyonal ang pamilya ng maglola habang hinihintay na ilabas ng mga bumbero ang mga labi.

Samantala, inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?