27

May 15, 2021 @ 20:43

Maglive-in na lugaw vendor, nagtitinda rin ng shabu

Nagkakahalagang P3.4 milyon na illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tahanan ng maglive-in partner nitong Biyernes sa Barangay Suba, Cebu City.

Naaresto ang mag partner na nakilalang sina Jaime Gastador, 43, at Jocelyn Premacio 47, matapos mahuli silang nagtatago ng halos kalahating kilo ng shabu sa kanilang tahanan.

Ayon sa pulisya, may mga nakakakilala sa dalawa mula sa ilang mga bilanggo na nasa Cebu City Jail kaya’t nagkaroon ng impormasyon ang awtoridad tungkol sa mga suspek.

Dagdag pa ng mga pulis, mga menor de edad ang ginagamit ng dalawa upang maging taga-dala ng ilegal na droga. Nasa isang kilo rin ng shabu ang naibebenta nila kada linggo.

Depensa ng dalawang suspek, pagtitinda ng lugaw ang kanilang ikinabubuhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?