123

Oct 5, 2021 @ 16:00
By

Magkasalungat na testimonya ni Mago, binuking ni Lacson Video clips don’t lie.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pagbunyag nito hinggil sa hindi magkasalungat na mga pahayag ni Pharmally Pharmaceuticals “employee” na si Krizle Mago sa Senado noong Setyembre 24 at sa House of Representaticve noong Oktubre 4.

Hindi kinagat ni Lacson ang sinabi n imago sa Kamara na ang kanyang pag-amin na sumunod lang siya sa utos ng higher management para utusan ang manggagawa sa kanilang warehouse na palitan ang expiration date ng face shield ay dahil sa pressure sa mga tanong ng mga senador.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa iregularidad sa pagbili ng medical supply, ipinakita ni Lacson ang video clip kung hindi naman pinilit si Mago na umamin sa pagdinig noong Setyembre 24.

“You be the judge, Mr. Chairman, if that was a pressured response and if she was bullied by this representation when she admitted that Mr. Mohit Dargani gave her the instructions to have the stickers changed,” sabi ni Lacson.

Noong Oktubre 4, sinabi ni Mago sa Kamara na ang kanyang pag-amin sa Senado noong Setyembre 24 ay dahil sa “pressured response.”

Subalit sa video clip, makiita si Mago na “compose” o kalamado lang ito noong siya’y tumestigo at umaming sumusunod lang siya sa utos ng kanyang mga boss, partikular si Mohit Dargani, ang secretary-treasurer ng Pharmally.

Samantala, muling iginiit ni Lacson na ang Senado ay hindi isang criminal court o sangkot sa witch-hunt, na pinagdidinan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised address noong Lunes ng gabi.

“The Senate never claimed to be a criminal court. We investigate in aid of legislation as we had always done in the past, which resulted in some meaningful laws like the amended Anti-Hazing Law and many more meaningful legislations,” sabi ni Lacson.

“But neither is the Senate investigation a witch-hunt. Our inquiries also led to the filing of criminal charges against certain government officials as well as their civilian cohorts,” dagdag pa nito.

Binanggit nito ang memorandum mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasabing inatasan ng Pangulo ang mga pinuno ng mga department at ahensiya ng gobyerno na huwag dumalo o humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearings at sa halip ay ituon ang oras at panahon sa pagtugon sa pandemya.

“It bears repeating that all branches of government should work together against the common enemy which is corruption. The recent pronouncements made by the President may not be helping in this regard,” diin ni Lacson. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?