278

Jun 20, 2019 @ 16:23
By

Magkapitbahay nagtalo sa parking; 1 patay

Nauwi sa krimen ang pag-aaway ng dalawang magkapitbahay dahil sa parking space sa Sunshine Valley sa Barangay Quiot, Cebu City.

Namatay si Vladimir Despi Alatraca, 40, matapos barilin sa katawan ng kapitbahay niyang si Jersam Armecin, 46, dakong alas-11:30 ng umaga noong June 14.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo sina Armecin at Alatraca sa nirentahang parkingan na nauwi pa sa barangayan.

Nang aalis na si Alatraca sa kanyang parking lot, umalis na rin si Armecin sa kanyang spot pero hinarangan ang sasakyan ng una.

Ikinagalit ito ni Alatraca kaya naghamon ng suntukan kay Armecin, na sinagot ng bala ng huli.

Ilang oras matapos ang pamamaril, kusang sumuko sa pulisya si Armecin kasama ang kanyang abogado.

Nakakulong na si Armecin sa Labangon Police detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?