46

By

Magkapatid pinagbabaril sa tricycle

Patay ang isang lalaki samantalang sugatan ang kapatid nito matapos silang pagbabarilin habang sakay sa tricycle sa Candelaria, Quezon nitong Huwebes ng hapon.

Dineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Victor Landicho, 28, habang nilalapatan naman ng lunas ang kapatid nito na si Menandro, 38.
Ayon sa report ng Candelaria police, sakay ang dalawa ng tricycle na minamaneho ni Menandro nang pagbabarilin ang mga ito ng mga suspek sa national highway sa Barangay Malabanban Sur, alas-5:30 ng hapon.

Pauwi na umano sa kanilang barangay sa Sta. Catalina Sur ang dalawa nang sundan ng ‘di natukoy na sasakyan ng mga suspek.

Agad napuruhan ang nasa passenger seat na si Victor habang nahagip din ng mga bala ang kapatid.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?