9
shabu-1
By

Magkapatid na tulak, dedo sa buy-bust sa Cebu

Sharing is caring!

Patay ang mag-utol na kilalang tulak at lider ng isang sindikato ng droga matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Cebu City.

Ayon kay Supt. Glenn Mayam, hepe ng Central Visayas Drug Enforcement Group, nakilala ang mga nasawing suspek na sina Joseph Oralde at Romeo Oralde na kapwa nanlaban matapos makatunog na napapalibutan na sila ng pulisya sa labas ng kanilang inuupahang bahay sa Barangay Duljo Fatima, Cebu City.

Kasama ng dalawang nasawing suspek ang isang hindi pa nakikilalang kaibigan na drug runner ng magkapatid.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P5 milyong halaga ng shabu sa loob ng inuupahang bahay ng mga suspek.

Nabatid na lider ang magkapatid ng Oralde Drug Group na umaabot sa buong Central Visayas habang inaalam pa ng mga awtoridad kung saan kumukuha ng droga ang mga ito at kung sino ang iba pa nilang kasabwat upang mahinto na ang pagkakalat ng iligal na droga sa Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?