33
chess1
Feb 20, 2020 @ 20:02
By

Magkapatid na Marticio pabibo

Nagpasiklab ang magkapatid na Jersey at Jeremy Marticio sa katatapos na Lian Chess Tournament sa Lian Municipal Hall sa Batangas.

Nakapagtala si Jersey, 12, grade 7 sa Pulo National High School sa Cabuyao City, ng 4.5 puntos sa limang laro para kunin ang titulo sa Kiddies 14 years old and below category.

Lumikom din ng 4.5 pts. si Juncin Estrella ng Silang, Cavite, pero nagkasya sa ikalawang puwesto tapos ng tie break pts.

Sa panig naman ni Jeremy, 14, at grade 8 sa PNHS-Cabuyao ng 4.0 markers para pumangatlo sa bisa ng mas mataas na tie break laban kina Rian Paul Tenorio ng Nasugbu, Batangas (4th place) at Clark Jemuel Cabatian ng Estavillo Chess Academy-GenTri (5th).

Kagagaling lang ni Jersey sa pag-angkin sa girls 14 –below title sa Community FIDE/NCFP Standard rating grand finals age group chess championships sa Olongapo City nitong Enero 31.

Habang si Jeremy ay nag-third place sa Open group A class sa 3-day event

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?