391

Oct 21, 2021 @ 16:13
By

Magkapatid na Marcos may selective memory– Rep. Atienza

Mayroon umanong selective memory ang magkapatid na sina dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at kapatid nitong si Senator Imee Marcos pagdating sa alaala ng Martial law.

Ayon kay House Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza, nag-suot pa ng fatigue uniform noon si Marcos Jr., noon.

“Anong sinasabi mong hindi alam? Naka-fatigue uniform ka pa noon eh. You were ready to do battle. Have you forgotten that?” tanong ni Atienza.

Ang dapat umanong gawin ng magkapatid ay kilalanin ang naging paghihirap ng milyong Pilipino sa ilalim ng 20-taong pamumuno ng kanilang ama.

“Palagay ko meron silang selective memory. Ang naaalala lang nila yung good times of Martial law. Oo nag-enjoy kayo noon, pero ang masang Pilipino, pinaghirap ng pamamahala ng isang tao: Ferdinand Edralin Marcos,” dagdag pa ni Atienza na running mate ni Senator Manny Pacquiao.

Dapat din umanong aminin ni Marcos Jr., na hindi nito gagawin ang mga ginawa ng kanyang ama.

“I don’t want them back in Malacañang without even admitting, ‘Hindi ko na gagawin yung mga nangyari noong martial law.’ He can easily say, ‘I did not participate in those tortures and if I become president I will never commit the same,’” dagdag pa ni Atienza.

Hindi rin nagustuhan ni Atienza ang pahayag ni Sen. Imee na million years ago na ang Martial law.

“No, that’s very recent history and you are doing everything, using your money to distort history. Ang tawag dyan, historical revisionism. I have long forgiven Mr. Marcos for what happened, but I will never forget,” wika pa ni Atienza.

Inamin ni Atienza na mahirap na mapalitan ang kanyang pananaw sa martial law dahil isa siya sa nakatikim ng kalupitan nito.

“Mabuti ako nakauwi pa. But they warned me that on the 3rd time, hindi na daw ako makakauwi. What will they tell the families of the more than 10,000 missing youth who most probably fell victim to torture and summary execution? I cannot and will never forget that. I want my grandchildren and great-grandchildren to never forget that!” dagdag pa ng kongresista. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?