55

By

Magkapatid na lola huli sa shabu

Inaresto ng mga awtoridad ang magkapatid ng lola sa isinagawang anti-drug at anti-criminality operation sa Quezon City, Martes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) officer-in-charge P/Col. Arthur Bisnar ang magkapatid na sina Carmen Estrada, 61-anyos at Lilibeth Estrada, 59, kapwa residente ng Brgy. Sto Niño, Quezon City.

Ayon sa report, dakong alas-5:30 ng umaga (November 12) nang isagawa ng mga tauhan ng Galas Police Station (PS 11) Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang pagsalakay sa tahanan ng magkapatid dahil umano sa impormasyon na nagtutulak ng droga ng mga ito.

Sinabi ni PS 11 Officer-in-Charge P/Maj.Bernardo Pascua Jr, ang magkapatid ay kabilang sa barangay drug watch list at kapwa drug surrenderee.

Namonitor ng pulisya na muli umanong bumalik sa pagiging ‘drug peddling’ ang magkapatid kaya isinagawa ang buy-bust operation laban sa kanila na nagresulta ng kanilang pagkakadakip.

Nakuha mula sa magkapatid ang apat na sachet ng ipinagbabawal na gamot ang 4,000 buy-bust money.

Nakakulong ngayon sa QCPD-PS11 ang dalawang matanda at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?